Ako’y kaybigan lang na tinuturing mong diary
kaybigan lang ako at puso moy kelanma’y di ko ma-aari
kya’t di na aasa pa’t pagkat di yun maari
kaybigan lang talga ang posibleng mangyare
kaybigan lang ako na pinagsasabihan mo ng sikreto
’sang kaybigan na kung kani-kanino mo pa nirereto
ako’y kaybigan mo na lagi mong inaaway
pero sa problema heto ako’t dumaramay
hanggang doon na lang at wala nakong magagawa
kaybigan lang kita kahit sa panalangin ako’y magmakaawa
magkaybigan lang tayo mula simula hanggang wakas
kahit na puso ko’y na sayo na’t di na makatakas
ang pana kasi ni kupido’y hindi nailagan
kaya’t kaluguran daka higit pa sa kaybigan
alam kong pagmamahal ko’y dapat ng isuko
pero anong magagawa kung si bestriend ang may-ari ng puso ko.
Entries (RSS)