hindi siguro ako masasaktan kung hindi mo’ko pinaasa
wag akong sisihin kung bat sa pagmamahal mo’y ako’y nagnanasa
ikaw ang nagbigay ng maraming rason
kung bakit utak ko’y tuluyan ng nalason
kahit na ba palagi mo nalang akong iniinis
ikaw ang mdalas na nakakapagbigay sakin ng happiness
alam kong ang oras ko’y sayo lang naaaksaya
pero anong magagawa kung sayo ako masaya?
oo sige, ngayo’y wala ka ng rasong pinapakita
para ipagpatuloy ko pa ang mahalin kita
pero talaga na ngang ako sayo’y nabaliw
isang baliw na sayoy naaaliw
tuluyan akong nalaglag sayo ng matindi
pero bat hanggang ngayo’y ang hirap mong umintindi?
mahal kita at hindi ko na to kayang alisin
mahal kita at ang hiling ko lang ay wag mo naman akong pagselosin
Entries (RSS)