so..LET`S BEGiiN? lolx

bakit nga ba hanggang ngayo’y ikaw parin
ang pangalan mo sa isip ko ay may diin
ang puso kong ito’y sadya ngang makulit
isipin ka’t mahalin ka’y sya parin ang pilit

sa aking paggising, ikaw ang pinapangarap
hanggang sa panaginip ay ikaw ang hanap-hanap
madalas na ngang sa sarili ko’y naaawa
sabihing kalimutan ka’y di ko nagagawa

hanggang ngayo’y di matanggap ang lahat ng sakit
ang mga dating tamis ay ngayo’y kay pait
kase minahal kita ng lubos-lubos
kaya ngayon pagmamahal sa sarili ko’y naubos.

hanggang ngayon, mahal parin kita
nakapaikot parin ang mundo ko sayo sinta
puso ko’y tila sasabog at nagwawala
sa t’wing iniisip kong ako sayo’y wala na

Leave a Reply

^ NAiiNiP KA NA BA? MERON PA. CLiCK MO MAN. hehe CLiCK PREViOUS PAGE KUNG OKAY LANG SAYO. tsk
 SALAMAT SA PAGBASA. SORRY KUNG NAiNiP KA LANG. PERO ii HOPE YOU HAVE FUN WiTH iiT. ako si chungz ,) niayy